Categorized | Documents, News

Mahalaga ang pagkakaisa ng mga tribo sa siyudad General Santos City

Posted on 18 March 2015 by Ebrahim Sandigan

Marso 1, 2015 sa Purok Darussalam Brgy.Bawing General Santos City ay nagpatawag ng assembly ang Council of Propagators of Peace and Development Society,Inc. (CPPDS) kasama sa nag-facilitate ang Consortium of Bangsamor Civil Society (CBCS) Rajah Buayan Regional Management Committee(RMC), na ang layunin ng assembly ay“Pagkakaisa ng mga tribo na nasa siyudad ng Heneral Santos”. Dumalo sa nasbing assembly ang ibat ibang Moro Leaders kinabibilangan ng mga tribong Maguindanaon,Tausog, M’ranao,Sangir, at B’laan.

Ebs_ArticleTinatayang umabot ng isang daan individual ang dumalo sa nasabing assembly, kabilang ang mga kababihan, kabataan, Kadatuan at political leaders kasama na ang tatlong Muslim Brgy. Captain ng Brgy. Batomelong, Tambler at San Jose sa Siyudad Heneral Santos.

Sa mga mensahe ng representante ng bawat tribo ay sumisentro sa pag supporta sa panawagan pagkakaisa ng mga Moro sa siyudad ng Heneral Santos , may nagsabi rin na kahit mahirap makamit ang kapayapaan ng Bangsamoro ay kailangan pa rin isulong ang pagkakaisa, hindi rin ligtas ang issue ng Bangsamoro Basic Law (BBL) sa pag supporta ng halos lahat ng speakers dahil sa ngayon ito lang ang meron sa Bangsamoro na maaring magdala sa tunay na kapayapaan, may nagpakita ng pagka dismaya sa kalagayan ng BBL sa Congreso at Senado pero hindi daw dapat mawalan ng pag-asa dahil nakikita naman na umaangat ang kakayahan ng Bangsamoro.
Nagpakita din kahit saglit si city mayor Arniel Rivera ng Heneral Santos, bagamat hindi hayagang sinabi ang supporta sa pagtitipon ay pinagmamalaki naman nya ang pag angat ng economiya ng Heneral Santos, at pinuri ang mga OFWs na mga Moro dahil malaking contribution ito sa economiya ng General Santos at sisikapin ng kanyang pamahalaan na hindi ma-pabayaan ang pangangailangan ng mga tribong Moro sa kanyang termino.

By Ebrahim Sandigan

Leave a Reply

Advertise Here
Advertise Here