Categorized | Featured, News

Pamamahayag at Panawagan ng CBCS Ukol sa Insidente sa MAMASAPANO

Posted on 26 February 2015 by Musa

Pamamahayag at Panawagan ng CBCS Ukol sa Insidente sa MAMASAPANO

01 February 2015

10504808_253271288203455_3604567661048889863_o1. Isang pangyayari na hindi natin gusto ang ngayon ay naging hamon sa ating katatagan upang ituloy ang pagsulong sa isang proseso ng malawakang kapayapaan sa Mindanao at buong bansa;

2. Ang nangyari sa Mamasapano na ikinasawi ng mga pulis, MILF at mga sibilyan ay isang malagim at hindi inaasahan. It is an unfortunate event. Ito ay ating kinokenda. At kami ay nakikidalamhati sa mga naulila at pamilya ng mga biktima maging sila man ay pulis, MILF o sibilyan.

3. Ang pinakabiktima ng pangyayaring iyon ay mahigit sa 8 libong sibilyan na ngayon ay nasa mga evacuation centers;

4. Nanganganib din ang proseso ng kapayapaan na maudlot kung di tayo magpapakatatag sa ating paniniwala na walang solusyon sa problema sa Mindanao at Pilipinas kundi ang Kapayapaan sa Bangsamoro;

5. Silang lahat, pulis, MILF, mga sibilyan ay biktima ng isang hindi inaasahang malagim na pangyayari. They are victims of unwanted harsh circumstances;

6. Ang pangyayari na hanggang ngayon ay iniimbistigahan pa kung paano nangyari ay nagdulot ng iba’t ibang reaksyon mula sa mamamayan. May nagagalit at sinasabing hindi mapagkakatiwalaan ang mga Muslim. May mga miyembro ng kongreso na ayaw nang ituloy ang pagbalangkas sa BBL. May gustong ipadeklara uli ang all-out war laban sa mga rebelde. Tumitindi uli ang prejudice laban sa mga Muslim.

7. Pero, ito ba ang tamang pamamaraan upang maayos ang problema? Hindi ba nararapat lang na bago tayo gumawa ng mararahas na desisyon at maghusga ay dapat muna magkaroon ng masusing imbistigasyon sa insidente mula sa isang indpendenteng grupo?

8. Sa mga nanawagan ng all-out-war, alam ba nila kung ano ang mga nararanasan ng mga biktima ng giyera? Sila ba ay nakaranas na ng paglikas at gutumin sa mga evacuation centers? Alam ba nila kung ano ang mangyayari sa kalusugan at pag-aaral ng kanilang mga anak kung sila ay naglilikas?

9. Sa mga nanawagan ng pagsuspende sa pagbalangkas ng BBL dahil sa pangyayari, mayron ba kayong alam na ipapalit sa peace formula na matatangap ng dalawang party na naguusap? Naging solusyon ba ang all-out-war ng dating pangulo ng Pilipinas?

10. Sa mga nagagalit sa mga MUSLIM at sinasabing di sila mapagkatiwalaan. Kung kasalan man yon ng ilang Muslim, kailangan bang idawit ang MGA MUSLIM? Hindi ba ito lalong makapaghati-hati sa mamamayan at maging sanhi pa ng kaguluhan? Ano ang nagagawa ng ceasefire at peace talks ng MILF at GPH sa loob ng 6 na taon mula ng matapos ang MOA-AD conflict?

1. Nagkaroon ang mga mamamayan ng pagkakataon na bumalik sa kanilang mga lugar at muling makapagtrabaho na hindi natatakot;

2. Nabawasan ang paglikas na naging sanhi upang makapagaral ang mga kabataan ng maayos;

3. Bumuti ang relasyon ng ibat-ibang grupo, ang tri-people sa Mindanao ay nagtutulungan upang itaguyod ang peace process;

4. Nagkaroon ng pagkakataon na maglunsad ng mga programang pangkabuhayan, imprastraktura at maayos na daloy ng social services, lalong-lalo na sa kanayunan;

5. Nagkaroon ng interest ang mga dayuhan na lumagak ng puhunan sa Mindanao na maaring pagmulan ng trabaho ng ating mamamayan. Iilan lang ito sa naging dividend of peace sa loob ng 6 na taon na may ceasefire at peace talks. Gusto ba natin na sa isang iglap dahil sa insidente na hanggang ngayon ay iniimbistigahan pa kung paano nangyari, ay mawala lahat ang bunga ng kapayapaan?

AMING MUNGKAHI (CBCS):

1. Magkaroon ng mabilisan at independenteng imbistigasyon sa insidente upang lalabas ang tutuo at ang puno’t dulo nito upang mapanagot ang sino mang lumabag sa kasunduan o ang hindi gumawa ng dapat na gawin; ang imbistigasyon ay dapat susuriin din kung anong karapatang pang-tao ang nalabag at sino ang may pananagutan nito.

2. Samantalang ito ay ginagawa, huwag muna tayo manghusga at gumawa ng mga disisyon na maging sanhi pa ng kaguluhan na lalo pang magpatindi sa sitwasyon;

3. Iwasan nating magbitiw ng mga salita na makakahati sa mga mamamayan at maaring pagmulan ng di pagkakaunawaan at gulo;

4. Isulong at suportahan ang pagbalangkas ng isang BBL na katanggap-tangap sa Bangsamoro upang magkaroon ng pagtutulungan ang pambansang pamahalaan at ang Bangsamoro autonomous government sa pagsugpo ng krimin, terorismo at iba pang karahasan sa rehiyon;

5. Huwag gawing hostage ang peace process o ang pagbalangkas ng BBL ng insidente sa Mamasapano sapagkat ang dalawa ay magkaiba;

6. Huwag natin iwan ang pagsulong sa kapayapaan at dapat nga ito ay bilisan pa . Nawalan na tayo ng mga mahal sa buhay dahil sa insidente sa Mamasapano pati ba naman kapayapaan ay mawawala pa rin sa atin? Ang aming paniniwala:

1. Ang pinakamagandang mangyayari ay kapayapaan at hindi karahasan;

2. Walang nagwawagi sa karahasan, lahat ay nagwawagi sa kapayapaan;

3. Ang pagsulung sa proseso ng kapayapaan at ang pagbalangkas ng isang basic law na matatangap ng Bangsamoro ay ang tamang daan sa kapayapaan.

 

AMING PANAWAGAN:

1. Nananawagan tayo sa lahat ng mga sector na panig sa katotohanan at kapayapaan na magkaisa upang ituloy ang pagsulong sa proseso ng kapayapaan at ipaalam ito sa buong bansa kung gaano kahalaga ito sa buhay ng taga Mindanao;

2. Nananawagan tayo na maging COMBATANTS FOR PEACE upang labanan ang mga nag-iisip ng karahasan at kaguluhan sa Mindanao;

3. Nananawagan tayo sa kongreso na wag gawing collateral damage ang pagbalangkas sa isang BBL na naaayon sa pangangailangan ng Bangsamoro, dahil lamang sa insidente na kasalukuyan pang inaalam ang puno’t dulo;

KAPAYAPAAN SA BANGSAMORO, KAPAYAPAAN SA BUONG BANSA!

Consortium of Bangsamoro Civil Society, Inc. KFI Compound, Doña Pilar St. Poblacion IV, Cotabato City E.mail: http://bangsamoroconsortium.org/ Tel. #: 421-1686

Leave a Reply

Advertise Here
Advertise Here